Friday, 10 June 2016

Duterte to Pursue Death Penalty By Hanging 50 Criminals Per Month





Paniwala niya, maipapasa ang panukalang bubuhay sa death penalty sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan.
Kabilang si Suarez sa mga mambabatas na nakausap ni Duterte sa Davao City noong Martes.  Nandoon din sina House Speaker Feliciano Belmonte Jr. at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas.

Kabilang umano sa mga napag-usapan nila ay ang mga panukalang batas na nais bigyan prayoridad ni Duterte--kasama na ang pagbabalik sa parusang kamatayan.
"Ang una ay yung death penalty. He mentioned how serious this problem [on criminality] was already," ayon kay Suarez, kasapi ng United Nationalist Alliance (UNA).

Inaasahan na si Suarez ang magiging House Minority Floor Leader sa papasok na 17th Congress, habang si Fariñas ang napili umanong Majority Leader ni Davao del Norte Rep. Pantaleon 'Bebot' Alvarez, na inaasahang magiging susunod na Speaker.

Idinagdag ni Suarez na nabanggit din umano ni Duterte sa kanilang pagpupulong na mas gusto nito na pagbigti ang maging paraan ng parusang kamatayan. Nang umiiral  pa noon ang death penalty sa bansa,  lethal injection ang ginamit na paraan ng pagpatay.

"He articulated on the death penalty, saying it will be a strong deterrent if we will be hanging 50 [persons] a month," ani Suarez. "Ang sabi pa nga niya kung hindi niya maso-solve ang criminality, mahihirapan siyang magawa ang mga gusto niya sa gobyerno."

Nang tanungin si Suarez kung papaano maisasagawa ni Duterte ang pagbitay sa 50 convicts sa isang buwan gayung bumibilang ng taon ang paglilitis sa bansa,  sinabi ng kongresista na nais ng uupong pangulo na maging mapabilis ang pagsugpo sa mga drug lord.

“What he’s (Duterte) saying is elimination of big drug lords ASAP. If I can read between the lines, palagay ko regardless of how he’ll do it, he will be Machiavellian. The end justifies the means,” dagdag niya.
Samantala, naniniwala naman si Kabataan party-list Rep. Terry Ridon na hindi magiging madali ang paglusot ng panukalang batas na muling bubuhay sa parusang kamatayan.

"I think there’s going to be a showdown on the death penalty. Even if there’s a super majority in Congress, the public will [not] take this sitting down. I’m quite certain interest groups like the Church, human rights organizations— including those within Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) — will be going to the streets and protesting," aniya.

Bagaman hindi na siya magiging bahagi ng papasok na Kongreso, nakatitiyak si Ridon na magiging mapagmatyag ang kinabibilangan niyang Makabayan bloc kahit umanib umano ito sa mayorya sa Kamara.

"I'm quite certain that members of the Makabayan bloc— assuming they will be part of the majority— will raise the difficult questions on death penalty, particularly on the question of how we can be certain that those who will be subjected to it ought to be convicted for their crimes," aniya.

Nauna nang inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagtutol sa parusang kamatayan dahil hindi umano ito ang sagot sa problema ng kriminalidad at ang mga mahihirap ang higit na agrabyado.
"The punishment of death is not the deterrent," saad ng CHR sa isang pahayag. "Past surveys have shown a rise in heinous crimes despite the imposition of the death penalty."
Taong 2006 nang pirmahan ng noo'y Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang batas na nagbasura sa parusahang kamatayan.

Source: GMA

Loading...