MULING nakaiskor laban sa grupo ng sindikato ng ilegal na droga ang tropa ng National Capital Regional Police Office-Regional Anti-Illegal Drugs (NCRPO-RAID) makaraang makompiska ng P275 milyon halaga ng shabu sa tatlong naarestong Taiwanese national nang salakayin ang shabu laboratory kahapon ng madaling araw sa Ayala-Alabang Village, Muntinlupa City.Sa ulat ni Chief Insp. Robero Razon, hepe ng RAID kay Director Joel Pagdilao, NCRPO Director, umaabot sa 55 kilo ng shabu ang nakompiska kina Pong Jung, 19; Chen Hu Min, 27; at Eugene Chong, 24, pawang pangsamantalang nakatira sa 325 Tamarind Drive, Ayala-Alabang Village, Muntinlupa City.
Sinabi ni Razon, dakong 1:15 a.m. nang isinagawa nila ang operasyon laban sa tatlo makaraang makakuha ang RAID ng impormasyon hinggil sa ilegal na aktibidades ng mga dayuhan.Nauna rito, nang magpositibo ang impormasyon laban sa tatlo, isang buy-bust operation ang ikinasa ni Razon at ng kanyang mga tauhan laban sa tatlong drug dealer.Nang bentahan ng isa sa tatlo ang pulis na nagpanggap na buyer ng 25 kilo shabu na may street value na P125 milyon, sa harapan ng inuupahang bahay ng mga suspek, dinamba na ng grupo ni Razon ang tatlo.Makaraan, nang pasukin din ang bahay ng tatlo, tumambad sa RAID ang mini shabu lab at 30 kilo pang shabu.Ayon pa kay Razon, umaabot sa 55 kilo shabu ang nakompiska na nagkakahalaga ng P275 milyon ang street value.
Here's the Video :
Source: President Rodrigo Duterte
Loading...