Patuloy na ginagalugad ngayon ng asualt team mula sa AFP at PNP ang lugar kung saan nagka engkwentro ang PNP, AFP at ang bandidong grupo na Abu Sayyaf kahapon.
Ayon kay Lt. Col. Ericson Rosana, tagapagsalita ng 3rd ID ng Philippine Army, mas pina-igting pa nila ang paggalugad sa Inabanga, Bohol upang masiguro na walang makakalusot sa mga bandidong naka engkwentro ng pwersa ng pamahalaan at hindi na ito makalipat ng kalapit na bayan.
Sa kabilang dako sinabi naman ni AFP PAO chief Col. Edgard Arevalo na patuloy pa ang kanilang pangangalap ng impormasyon sa pagkatao ng mga sumalakay sa Bohol.
Paliwanag kasi ni Arevalo na may mga nakukuha silang impormasyon na kabilang sa mga napatay ng mga otoridad sa inilunsad na Joint Operations ang isa sa mga sub leader na si Muamar Askali alyas Abu Rami, subalit hindi pa ito sigurado.
Una ng nabatid na nasa anim na bandido na ang napatay sa labanan sa gitna ng tuloy tuloy na clearing operations na isinasagawa ng militar at pulisya sa nasabing bayan.
Habang tatlong sundalo kabilang ang isang 2nd Lt. at isang pulis naman ang patay sa pwersa ng gobyerno.
Loading...