Saturday, 11 March 2017

Lascañas handang tumestigo sa international court vs Duterte




MANILA, Philippines — Wala nang atrasan ang laban ng nagpakilalang pinuno ng Davao Death Squad SPO3 Arturo Lascañas laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Handa si Lascañas na dalhin ang laban sa international court kung saan siya tetestigo laban kay Duterte kaugnay ng mga patayan sa bansa.
Sinabi ng retiradong pulis sa Associated Press na “95 percent” ng mga patayan ngayon sa kampanya laban sa ilegal na droga ay pareho sa istilo nila ng DDS na nagsimula noong alkalde pa lamang ng Davao City si Duterte.
Aniya handa siyang makipagtulungan upang makakuha ng ebidensya ang local at international courts laban sa Pangulo na itinanggi na ang mga paratang.
Close Ad X

Sa mga isiniwalat ni Lascañas sa Senado ay sinabi ng US-based Human Rights Watch na kinakailangan na talagang magkaroon ng independent UN investigation.
Inamin ni 56-anyos na retiradong pulis na nasa 300 katao ang napatay ng DDS na kasama siya kung saan si Duterte mismo ang nag-uutos. Aniya handa niyang panagutan ang mga nagawang krimen kahit kapalit nito ang kaniyang buhay.
"It will have no relevance if I will not expose this to the whole world and it won't get acted upon so ... this will no longer happen again to the next generations of police and local government units," wika ni Lascañas.
Nabanggit din ni Lascañas ang Laud quarry kung saan nila inililibing ang kanilang mga biktima.
Noong nagsagawa ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights noong 2009 ay naunahan nila aniya ng paghuhukay ng mga buto.
Handa rin aniya siyang samahan ang mga imbestigador sa ilang pinaglibingan nila ng mga bangkay na tanging sila lamang mga hitman ang nakakaalam.
Sinabi pa ni Lascañas na dalawa pang hitman ng DDS ang handang lumutang, bukod pa sa nauna nang si Edgar Matobato.
Nagsimula lamang umano ang mga patayan ng mga drug suspects ngunit kalaunan ay ipinatutumba na rin sakanila ang mga kalaban sa politika ni Duterte.
"If you kill, this will not be the solution, it will lead to perdition and anarchy," sabi ni Lascañas. "We will really end up in chaos."

SOURCE: Philstar

Loading...