Monday, 23 January 2017

Iza Calzado bashed for expressing interest in portraying Imelda Marcos




Humingi ng paumanhin si Iza Calzado sa mga na-offend niya, matapos niyang magsabi sa social media na gusto niyang gumanap bilang Imelda Marcos, asawa ng dating diktador na si Ferdinand Marcos, sa isang biopic.

Dumalo si Iza sa costume/birthday party ni Tim Yap noong Huwebes, January 18, na naka-costume bilang ang dating First Lady.
Post ni Iza sa Instagram, napili niya si Imelda dahil pareho silang mahilig sa sapatos at mahilig ding magsuot ng terno.
Sa sumunod pang post ni Iza, sinabi niyang gusto niyang gampanan ang role ng dating First Lady sa isang pelikula dahil isa siyang “interesting character study.”
Pero tila hindi natuwa ang ibang netizens sa posts ng Kapamilya actress.

May mga tumawag sa aktres ng “insensitive” at “nakakahiya” dahil sa kanyang post.
Ngayong Linggo, January 22, sunud-sunod ang Twitter posts ni Iza upang ipaliwanag ang kanyang panig.

Paglilinaw ng aktres, hindi niya sinabing iniidolo niya ang dating First Lady.
“I never stated that I idolize Imelda. I clearly stated that I channeled a part of her, which I resonate with, love for shoes and terno.”
Dagdag pa ni Iza, ang pinanggagalingan niya ay bilang aktor na gustong gampanan ang isang karakter, pero hindi raw nangangahulugang inilalagay niya ito sa pedestal.

Sabi niya, wala halong malisya at walang halong pulitika ang kanyang ginawang post.
Nalulungkot daw siya na masyadong “opinionated” ang mga tao ngayon at sensitibo kaya't nagkakawatak-watak tayo dahil sa pulitika.

Tweet pa ni Iza, hindi naman kailangang kalimutan ang nakaraan, subalit kinakailangan din nating magkaisa para sa ating kinabukasan.
Sa huli, humingi muli ng paumanhin si Iza sa kanyang mga nasaktan at muling nilinaw na wala siyang intensyong manakit ng damdamin.

SOURCE:PEP

Loading...