Mangiyak-ngiyak ngayon sa sama ng loob habang nagbigay ng kanyang pahayag sa media si dating Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Superintendent Edgardo Tinio.
“Kung mahal ni Pangulong Duterte ang bansa, mahal ko rin ang bayan ko at handa akong lumaban kasi sa giyera lalo na sa droga”, pahayag ng opisyal.
Sinabi din ni Tinio na handa umano siyang sumailalim sa imbestigasyon ng PNP at Napolcom para lamang linisin ang kanyang pangalan.
Ipinaliwanag din ng opisyal na mali ang ibinigay na impormasyon sa pangulokung saan ay isinasabit siya bilang protektor ng illegal drugs.
Ayon kay Tinio, “dahil sa pangyayaring ito, lilinisin ko lang ang pangalan ko at patutunayan ko na wala ang kasalanan sa mga bintang nila at pagkatapos nito ay aalis na ako sa serbisyo”.
Aminado ngayon si Tinio na dahil sa pangyayaring ito ay nawalan na siya ng gana na gampanan pa ang kanyang tungkulin bilang alagad ng batas.
Idinagdag pa ng dating pinuno ng QCPD na nasira sa isang iglap ang kanyang iniingatang pangalan dahil sa akusasyon sa kanya sa illegal drugs.
Source: KAPINOY
Loading...