TNF - Patayong nanganak ang isang ginang sa isang lying center sa Las Pinas nitong linggo matapos umanong tanggihan ng isang ospital. Makikita sa video na ini-upload sa social media na hawak-hawak ng isang midwife ang sanggol. Katulong nya ang isang midwife na gumupit naman sa umbilical cord ng bata. Matapos nito, agad pinasok ang sanggol sa lying-in center ng baranggay, pinaupo naman sa wheelchair ang ina na dugoan mula sa panganganak saka ipinasok sa lying-in center. Sabi ng driver na naghatid sa ina sa district hospital ng Las Pinas, tinanggihan daw sila kaya ibinalik niya ito sa center at dun na nanganak.
Source: GMA News
Loading...