Thursday, 22 December 2016

Mga reklamong kriminal, isinampa ng DOJ laban kay De Lima




Sinampahan nitong Miyerkules ng mga kasong kriminal ng Department of Justice si Senadora Leila de Lima kaugnay sa payo niya kay Ronnie Dayan na huwag siputin ang pagdinig sa House of Representatives sa umano'y kalakalan ng droga sa loob ng New Bilibid Prison.

Inakusahan ni Assistant State Prosecutor Vilma Lopez-Sarmiento si De Lima sa harap ng Quezon City Metropolitan Trial Court sa umano'y paglabag sa Article 150 (disobedience to summons of National Assembly) ng Revised Penal Code.

“Respondent’s (De Lima's) advice to Mr. Dayan through his daughter to hide and not to appear in the house inquiry constitutes an act amounting to restraining another to attend as a witness in the national assembly (Congress of the Philippines) and inducing disobedience to a summon,” ayon sa resolusyon ng Department of Justice. 

Ang pagsampa ng reklamo laban kay De Liman ay kasunod sa reklamong isinampa laban sa sendora ni Speaker Pantaleon Alvarez, kabilang sina Majority Leader Rodolfo FariƱas,  at House Committee on Justice chairman na si Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, sa DOJ noong nakaraang linggo.

Kung mapapatunayang nagkasala, maaaring pagmultahin si De Lima o makulong sa loob ng isa hanggang anim na buwan, batay sa Revised Penal Code.

Batay rin sa charge sheet ng DOJ, walang inerekomendang piyansa ang DOJ. Hindi rin hiniling kay De Lima na magsumite ng kanyang depensa laban sa reklamo. 

"We did not conduct any preliminary investigation because under the Rules on Summary Procedure, if the imposable penalty is less than 6 months, we can file it directly [in court] and, in fact, there are cases in which the imposable penalty is 4 years, 2 months, and one day that the investigating prosecutor need not conduct any preliminary investigation," pahayag ni OIC Prosecutor General Jorge Catalan Jr. 

Naaresto si Dayan, ang dating driver-bodyguard at umaming "former lover" ni De Lima, noong Nobyembre 22 sa La Union, kaya napilitan itong timestigo sa pagdinig sa Kamara.
Sa naturang pagdinig ng isang komite ng Kamara, pinabulaanan ni Dayan na nangolekta siya ng drug money sa high-profile inmates sa Bilibid ngunit inamin niyang tumanggap ng P8 milyon mula kay "drug distributor" na si Kerwin Espinosa, at para umano ang pera sa kampanya ni De Lima sa pagkasenador.

Ipinahayag rin ni Dayan na nagtago siya at hindi pinakinggan ng summons ng Kamara dahil na rin sa payo ng senadora na ipinaalam sa kanya noong Oktubre sa pamamagitan ng kanyang anak na si Hannah Mae. LBG, GMA News


Source:GMA NEWS

Loading...