Thursday, 1 December 2016

Handa na ako sa posibilidad na ipakulong o ipapatay —De Lima




Handa na umano si Sen. Leila de Lima sa dalawang "worst case secnarios" na maaaring mangyari sa kanya —ang ipakulong o ipapatay.

"Naisip ko na lahat ng worst scenario: ikukulong and probably worse than that. Sana naman huwag nila ako patayin para naman mayroon akong konting laban," pahayag ng senadora.

Igniit niya na mahalagang mapapatunayan niyang hindi siya sangkot sa umano'y iligal na kalakalang ng droga sa loob ng New Bilibid Prison noong Justice secretary pa siya, "Kasi they bury me, they bury the truth."

Hinihintay lamang umano niya ang tamang panahon na masagot ang mga paratang laban sa kanya ng administrasyong Rodrigo Duterte, na aniya'y may pakana sa walang humpay na pang-aatake sa kanya.

"I just have to weather the storm and wait for that time when there's an atmosphere already for truth-telling," pahayag niya.

Dagdag niya, sa ngayon, umiiral ang "pananakot, pandidiin, pandikdik, pamumuwersa, lies and deception." Sa ngayon, "haharapin ko na muna ang mga kaso."

Ilang mga kaso na ang naisampa laban sa kanya sa Department of Justice sanhi ng paratang na may koneksyon siya sa illegal drug trade, na kung mapatutunayan ay maaari siyang maparusahan ng life imprisonment.

Samantala, nagbabanta ang House of Representatives na maghain ng "contempt citation" laban sa kanya dahil pinayuhan niya ang kanayang dating driver-bodyguard na iwasan muna ang House inquiry.

Dagdag dito, pinag-iisipan na rin umano ni House justice committee chair at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na maghain ng "ethics complaint," na isang reklamong kriminal, at "disbarment case" laban kay De Lima dahil sa pakikipagrelasyon nito sa kanyang driver-bodyguard na si Dayan. —LBG, GMA News


Source:GMA NEWS

Loading...