Friday, 15 July 2016

Makapigil Hiningang pag responde sa biktima na aksidenteng na Kuryente Habang nagkakabit ng WiFi router.

Aksidenteng tinamaan ng biktima na si ginoong Soriano Floriano Requirme ang live wire ng Kuryente na nagdulot ng pag sabog at naging sanhi ng aksidenteng pagkawala ng Kuryente! Bagong lipat ang biktima kaya wala siya kaalam-alam na live war pala ang Kuryente na nasa itaas ng bubong ng kanyang tinutuluyan. Ang biktima ay nagkamit ng sunog sa kanyang kanang binti, kanang braso at buhok at electric burn sa kanyang tiyan! 

Na kasalukuyang isinugod sa hospital. Ito ay naganap ngayon hulyo 14 taong kasalukyan pasado alas 11:30 ng umaga sa 53 Ilaya St. Alabang Muntinlupa City. Tumagal ng isang oras ang pag responde at halos 15 minuto naman pagaksyon at pagbaba sa biktima na pinangunahan ng unang Bayani respondent na si Sgt. OLINAD Bryan DAGDAGAN ng Philippine Air Force Search and Rescue na nakatalaga sa Villamor Air Base Pasay City at ang binatilyong si Omar Laureaga at Junnor Samia na aaplicante ng Philippine Air Force.

Si Sgt. OLINAD BRYAN DAGDAGAN Ang nanguna sa pag aksyon at tumayong team leader sa nasabing aksidente ayon sa mga kaanak ng biktima! At ganun din ang pasasalamat nila sa mga Samahang magkakapit bahay ng San Miguel Compound at ng Morning Breeze homes para sa pagbabayanihan at kaligtasan ng biktima! At ganun din sa pakikiisa ng Muntinlupa Police, Muntinlupa Fire District, Muntinlupa Rescue Team at Brgy. Alabang Ambulance And City of Muntinlupa Ambulance.


Panuorin Ang Video! 


Source: Facebook

Loading...